Philippine Cannabis Development Authority, ipinapanukala sakaling gawing legal ang cannabis bilang gamot sa mga sakit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ngayon ng isang cannabis advocate sa Kongreso na magtayo ng Philippine Cannabis Development Authority na siyang hahawak sa pag-regulate ng naturang halaman sakaling gawing legal ang paggamit nito.

Ayon kay Dr. Rodolfo John Ortiz Trope, National Secretary General ng Timpuyog Pilipinas, hindi dapat isailalim sa Food and Drugs Administration ang Regulatory Power ng cannabis products dahil wala itong kaalaman para sa economic development.

Malaki daw kasi ang maiaambag ng cannabis sa ekonomiya ng bansa sakaling gawin itong legal na sangkap sa paggawa ng ilang gamot.

Para kay Dr. Richard Nixon Gomez ng Bauertek Corporation, aabot sa P40 bilyon ang maaaring makuhang buwis ng pamahalaan sa naturang halaman.

Kung itatayo ang Philippine Cannabis Development Authority, ito ang mangangasiwa sa pag-aaral para ma-regulate ang proseso sa paggawa ng gamot, pagbebenta ng kapsula, paglalaan ng buwis at maraming iba pa.

Samantala, ibinalita naman ni Dr. Gomez na nasa pagdinig na ng House Committee on Dangerous Drug ang panukalang batas na nagtatanggal sa marijuana bilang Dangerous Drug.

Sa Senado naman, nakatakdang dinggin na ng Technical Working Group bukas ang naturang panukalang batas na isinusulong ni Sen. Robin hood Padilla. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us