Philippine Women’s Football National Team Filipinas, kinilala ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay ng Senado ang Senate Resolution 715 na kumikilala sa Filipinas o sa Philippine Women’s National Football Team para sa makasaysayang performance ng koponan sa 2023 FIFA Women’s World Cup sa New Zealand.

Matatandang naitala ng Filipinas ang kauna-unahang goal para sa Pilipinas sa World Cup nitong Hulyo.

Personal na tinangap ng mga miyembro ng team Filipinas ang pagkilala ng mga Senado sa sesyon kahapon.

Ibinahagi naman ni Senadora Pia Cayetano, na tumayong head ng delegasyon ng Pilipinas, ang kanyang naging karanasan nang personal na napananuod ang makasaysayang unang goal ng bansa.

Sinabi ni Cayetano na kahit kakaunti lang ang mga Pilipino na nasa Wellington Regional Stadium, ay dama ang suporta at kasiyahan para sa tagumpay ng Filipinas.

Ikinatuwa naman ni Senate Committee on Sports Chairman Senador Christopher ‘Bong’ Go na unti-unti nang nagbubunga ang mga pinagpaguran at pagsasakripisyo ng mga atletang Pilipino sa iba’t ibang larangan ng sports.

Partikular ring kinilala ng mga senador si Sarina Bolden para sa first-ever goal ng bansa sa World Cup. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us