Pormal na inilunsad ngayong araw ang pagsasanay-militar ng Pilipinas at Australia na “ALON 2023”.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Gil Ileto, ito ang unang pagkakataon na isasagawa ang naturang bilateral exercise ng dalawang bansa.
Bahagi ito ng “Indo-Pacific Endeavour” ng Australia na layong mapalakas ang kooperasyong pandepensa sa mga kaibigang bansa sa rehiyon.
Ang opening ceremony ay pinangunahan ni Air Cdre. Tony McCormack, Indo-Pacific Endeavour 2023 Commander, kasama si Lt.Col. Noel Gallaza PN(M), Commander ng Phil. Marines Amphibious Landing Force, sa flight deck ng HMAS Canberra landing helicopter dock ng Royal Australian Navy.
Kalahok sa ehersisyo ang 700 tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), 1,200 tauhan ng Australian Defense Forces at 150 miyembro ng US Marine Corps (USMC).
Ayon kay Lt. Col. Ileto, ang partisipasyon ng US Marines ay bilang pang-suporta, kung saan naka-integrate ang USMC sa Australian Amphibious Force at gagamit ng USMC MV-22 aircraft sa combined air assault. | ulat ni Leo Sarne
📷: Sgt David Q Balisi PN(M)/Cpl Mary Joy M Hayahay PN(M)