Pilipinas, ASEAN economies, kailangan bantayan ang mga  hamon na kinahaharap ngayon ng World Economy — Finance Sec. Diokno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Habang patuloy na umaarangkada ang ASEAN economies bilang “engine of global economic growth” nagpaalala si Finance Secretary Benjamin Diokno na manatiling mapagbantay  sa iba’t ibang banta na kinahaharap ngayon ng world economy.

Ito ang inihayag ni Diokno sa kanyang naging intervention sa ASEAN Finance Ministers and Central Bank Governors Meeting (AFMGM) sa Jakarta.

Sinabi ng  kalihim kabilang sa mga external risks ang rising geopolitical tensions, monetary policy tightening, elevated domestic inflation, at climate change.

Ayon sa International Monetary Fund at World Bank bagaman ang global potential growth ay nanatiling mababa, nakikita pa rin ang patuloy na paglago ng rehiyong asya at hahatakin nito pataas ang kalahati ng global growth.

Tugon  ni Diokno kailangan masustine ng ASEAN member state ang “sustained investments in infrastructure and social programs” upang maibsan ang epekto ng global challenges.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us