Pilipinas at Canada, nagkasundong isulong ang MOU on Defense Cooperation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa nagpahayag ng kahandaan ang Pilipinas at Canada na isapinal ang Memorandum of Understanding on Defense Cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

Ito ang napagkasunduan nina Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at Canadian Ambassador to the Philippines H.E. David Bruce Hartman nang mag-courtesy call ang embahador nitong Biyernes.

Sa kanilang pagpupulong, napagkasunduan din ng dalawang opisyal na isulong ang praktikal na kooperasyon sa larangan ng disaster resilience at “capacity building projects” sa pagitan ng mga ahensyang pandepensa ng dalawang bansa.

Inihayag naman ng embahador ang intensyon ng Canada na palakasin ang kanilang presensya sa Indo-Pacific Region.

Ipinaabot naman ni Sec. Teodoro ang kanyang imbitasyon sa Canadian Minister of Defense para magsagawa ng opisyal na pagbisita sa bansa bilang pagpapatatag ng bilateral defense relations ng dalawang bansa. | ulat ni Leo Sarne

📷: DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us