Lumagda ang Pilipinas at Germany sa Joint Declaration of Intent on Interdepartmental Consultations for Bilateral Technical Cooperation Projects.
Kaalinsabay ito ng pagtanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay bagong German Ambassador to the Philippines Andreas Michael Pfaffernoschk na nagsumite ng kanyang credentials sa Punong Ehekutibo.
Base sa nilagdaang kasunduan, magkakaroon ng regular na interdepartmental consultations ang dalawang bansa hinggil sa mga kasalukuyan at pipeline bilateral technical cooperation projects nito na may kinalaman sa climate, energy, at biodiversity.
Sa harap na rin ito ng patuloy na pagpapalakas kapwa ng Pilipinas at ng Germany sa climate cooperation habang mas pinalalalim ang people-to-people relations.
Sa kanilang pagkikita sa Palasyo, nagpahayag kapwa ang Pangulo at bagong envoy ng Germany sa Bansa na mas mapayabong pa ang relasyon ng Pilipinas at Germany at makatuklas pa ng mas maraming oportunidad para sa bilateral growth sa gitna na din ng papalapit ng 70th anniversary ng diplomatic ties ng dalawang bansa sa susunod na taon. | ulat ni Alvin Baltazar