Pilipinas at Ireland, lumagda ng MOU para sa pagkakaroon ng bilateral consultations mechanisms

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ngayong araw sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Irish Ambassador to the Philippines William Carlos ng Memorandum of Understanding na bubuo ng bilateral consultations mechanism sa pagitan ng Pilipinas at Ireland.

Sa ilalim ng MOU, magpupulong ang delegasyon ng dalawang bansa kada taon upang talakayin ng bilateral cooperation at mga usapin sa rehiyon at isasagawa ito sa Maynila at Dublin ng salitan o kaya sa isang third location tulad ng sidelines sa isang international conference.

Inaasahan rin na titignan ng Pilipinas at Ireland ang estado ng political, economic, consular, at cultural relations sa pagitan ng dalawang bansa at magpalitan ng insights pagdating sa international affairs.

Ang nasabing paglagda ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-39 na anibersaryo ng pagkakabuo ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Ireland ngayong taon. | ulat ni Gab Humilde Villegas

📸: DFA-OPCD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us