Pilipinas at US, palalakasin pa ang kooperasyon sa larangan ng edukasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpulong sina Vice President at Education Secretary Sara Duterte at US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson.

Isinagawa ang pulong sa Department of Education – National Educators’ Academy of the Philippines Region 11 sa Davao City habang nagdiriwang ang lungsod ng Kadayawan Festival.

Ayon kay VP Sara, layon ng pulong na patuloy pang palalimin ang relasyon at panatilihin ang magandang ugnayan ng Pilipinas at Amerika.

Kabilang din aniya sa napag-usapan nila ni Carlson ang pagpapaigting ng kooperasyon ng dalawang bansa sa sektor ng edukasyon.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na opisyal na nagpulong ang dalawa matapos maluklok sa puwesto si VP Sara bilang Pangalawang Pangulo. | ulat ni Diane Lear

­čôĚ: OVP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us