Pilipinas, hindi na makakahanap ng isang Secretary Ople—Pangulong Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Secretary Susan Ople, at ang hindi matatawarang dedikasyon nito sa pagli-lingkod sa mga Pilipino.

“And I know that this all came from her heart, this all came from the compassion and the passion that she brought to her work. And this, as I said, is a rare quality, a rare combination.” —Pangulong Marcos.

Sa necrological service na idinaos sa Malacañang, naging emosyonal ang pangulo, habang ipinu-punto ang serbisyo at pagma-malasakit sa kapwa ng kalihim na aniya, hanggang sa huli ay trabaho at serbisyong publiko pa rin ang ginagagawa.

“At malaki ang respeto ko kay Toots sa kanyang pagka-professional, sa kanyang kasipagan, at talaga ang puno’t dulo nung lahat ang kanyang pagmamahal talaga sa kapwa Pilipino. At iyon ay – that was on a professional side.” —Pangulong Marcos.

Makakahanap man aniya ng kasing galing ni Secretary Ople, ngunit nagi-isa lamang aniya ang kalihim.

“Hindi na mapapalitan si Toots. Maghanap tayo ng kasing galing niya, pero huwag na tayong umasa na mapalitan si Toots, na mag-subsitute na magkakaroon ulit tayo na ilalagay ulit natin, na bibigyan ng pagkaktaon na mag-trabaho.” —Pangulong Marcos.

Sabi ng pangulo, isang malaking kawalan sa personal at propesyunal na buhay niya ng kalihim.

“Ngayon ka lang makakakita, hindi madalas tayong makakita ng tao na napakalambot ng puso ngunit marunong sa trabaho. Hindi siya ‘yung basta’t magawa. She’s a pragmatist at alam niya experience niya, alam niya ‘yung maaaring gawin, alam niya ‘yung hindi puwedeng gawin at ‘yun ang tinatrabaho niya.” —Pangulong Marcos.

Sa lying in state sa Palasyo, bukod sa pamilya at malalapit sa buhay ng kalihim, nakibahagi rin ang mga miyembro ng gabinete. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us