Nagkaloob ang Pilipinas ng US$25,000 na donasyon sa bansang Chile para sa nagpapatuloy na kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa larangan ng Disaster Risk Reduction and Management, dulot rin ng mga kalamidad na kamakailang naranasan ng Chile.
Iniabot ni Philippine Ambassador to Chile Celeste Vinzon-Balatbat ang nasabing donasyon kay Ambassador Patricio Powell, Director for the Asia-Pacific Division ng Ministry of the Interior ng Chile.
Ang Chile ay humaharap sa mga wildfire at matinding pagbaha sa maraming lugar dahil sa malalakas na pag-ulan taon-taon, habang ang Pilipinas naman ay laging dinadaanan ng mga bagyo.
Noong 2015, ay lumagda ang Pilipinas at Chile ng isang Memorandum of Understanding on Disaster Risk Reduction and Management kung saan ang dalawang bansa ay parehong nakakaranas ng mga kalamidad, at parehong matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. | ulat ni Gab Villegas
📸: Santiago PE