Pilipinas, nagpadala na ng team sa Maui para umasiste sa mga Pilipinong apektado ng wildfire

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni foreign affairs Usec. Eduardo de Vega na biyaheng Hawaii na ang Philippine team na siyang tutulong sa mga distressed Filipino nationals na apektado ng wildfire doon.

Ayon kay De Vega, ang naturang grupo ay aasiste sa Filipino nationals na nangangailangan ng tulong.

Kabilang aniya dito ang nasa 50 guro na mayroong j1 visa.

Paglilinaw naman ng opisyal na hindi nila maaaring magamit ang assistance to nationals sa mga Filipino-American citizens bagamat maaari aniya na paabutan sila ng ayuda gaya ng relief goods.

Sa ngayon ay wala pa rin aniya silang impormasyon kung mayroon ngang Pilipinong kasama sa 99 na nasawi dahil sa malawakang sunog.

Ngunit kailangan aniya paghandaan ang posibilidad na may Filipino decent na mapasama sa mga nasawi dahil sa 17% ng residente sa Maui at Pilipino o Filipino-Americans.

Makakakuha aniya sila ng datos sa loob ng 24 hanggang 48 oras dahil inaasahan na Martes, oras sa Hawaii pa darating ang Philippine team.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us