Pagsalin sa titulo ng liderato sa katutubong Blaan, isinagawa sa Saranggani Province

“Intelihenteng liderato ng mga leader sa kumunidad,” ito ang hinimok ni Bong Fulung Fredo Pandian Basino na nahirang kamakailan bilang Barangay Tribal Chieftain (District 1) ng Barangay Sapu Masla sa bayan ng Malapatan, Sarangani Province. Naipasa sa kaniya ang titulo sa isang seremonya na pinamagatang “Installation, Investiture, and Recognition Ceremony of Bong Fulung Mngawe Banwe… Continue reading Pagsalin sa titulo ng liderato sa katutubong Blaan, isinagawa sa Saranggani Province

Kampo at mga kagamitang pandigma ng CTG, nadiskubre sa Sagada, Mountain Province

Ayon sa impormasyon na inilabas ng PNP Mountain Province PIO, nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad ang abandonadong ‘encampment’ o kampo ng pinaghihinalaang Communist Terrorist Group (CTG) sa Mount Ampucao, Brgy. Balugan, Sagada, Mountain Province, habang sila’y nagsasagawa ng reconnaissance at combat patrol operation sa lugar sa araw ng Martes, August 15, 2023.… Continue reading Kampo at mga kagamitang pandigma ng CTG, nadiskubre sa Sagada, Mountain Province

Reassessment ng pamahalaan sa 1.4 million na pamilya para sa 4Ps, tiniyak na matatapos sa Setyembre

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sa Setyembre, tapos na nila ang isasagawang reassessment sa nasa 700,000 na pamilya, na una nang naka-gradute sa 4Ps, ngunit muling ikinukonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap. Nasa 700,000 rin ang dapat nang maaalis sa 4Ps, ngunit hindi na-assess noong kasagsagan ng pandemya. Sa press… Continue reading Reassessment ng pamahalaan sa 1.4 million na pamilya para sa 4Ps, tiniyak na matatapos sa Setyembre

Senate President Migz Zubiri, tiniyak na boboto pabor sa modified Mandatory ROTC bill

Aminado si Senate President Juan Miguel Zubiri na maraming butas sa pagpapatupad ng National Service Training program (NSTP). Ayon kay Zubiri, marami siyang kakilala na hindi na kinailangang dumaan sa training sa NSTP at sumali lamang sa organisasyon. May ilan rin aniyang nagpalakas lang sa lider ng organisasyon at nabigyan na ng pasadong marka.  Kaya… Continue reading Senate President Migz Zubiri, tiniyak na boboto pabor sa modified Mandatory ROTC bill

Pagpapatupad ng Solo Parents Welfare Act, pinasisilip sa Senado

Pinabubusisi ni Senador Christopher ‘Bong’ Go sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang implementasyon ng Expanded Solo Parent Welfare Act. Inihain ni Go ang Senate Resolution 730, para hilingin na mag-convene ang Congressional Oversight Committee on Solo Parents, para makapagbigay ng update tungkol sa pagpapatupad ng nasabing batas. Ang hakbang na ito ng senador ay… Continue reading Pagpapatupad ng Solo Parents Welfare Act, pinasisilip sa Senado

LRTA, muling nakapagtala ng panibagong record high sa bilang ng mga pasahero

Umakyat sa 169,241 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) Line 2, kahapon. Ito na ang pinakamataas na bilang ng ridership mula noong magsimula ang pandemya. Mas mataas ito sa naitalang 168,963 na daily ridership noong March 3, kung saan maluwag na ang COVID-19 protocols at restrictions. Bago kasi magpandemya, nasa… Continue reading LRTA, muling nakapagtala ng panibagong record high sa bilang ng mga pasahero

27 lugar, na-monitor ng PNP bilang “areas of grave concern” sa BSKE

Nasa 27 lugar sa bansa ang itinuturing ng Philippine National Police (PNP) bilang potensyal na hotspot sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Sa joint press conference ng PNP, kasama ang Commission on Elections (COMELEC) kahapon, sinabi ni PNP Deputy Chief for Operations Lieutenant General Michael John Dubria, na ang mga lugar na… Continue reading 27 lugar, na-monitor ng PNP bilang “areas of grave concern” sa BSKE

PCSO, nais pabilisin pa ang proseso upang mas marami pang matulungang mamamayan na nangangailangan ng medical assistance

Nais ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na pabilisin pa ang kanilang proseso sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayang nanganailangan ng atensyong medikal. Ayon kay PCSO Chairperson Junie Cua, nag-iisip na ng iba pang mga pamamaraan ang PCSO upang mas mapabilis pa ang pamimigay ng tulong sa mga nangailangang mga kababayan. Dagdag pa ni… Continue reading PCSO, nais pabilisin pa ang proseso upang mas marami pang matulungang mamamayan na nangangailangan ng medical assistance

DBM, nakatakdang iprisinta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang amyenda sa Government Procurement Law

Ipiprisinta ng Department of Budget and Management (DBM) sa susunod na linggo kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga panukalang amyenda nila sa Government Procurement Reform Act. Ibinahagi ito ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, nang matanong ng mga senador kung paanong tutugunan ang underspending sa gobyerno. Sa bugdet briefing ng Development Budget Coordination Committee… Continue reading DBM, nakatakdang iprisinta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang amyenda sa Government Procurement Law

3 kasong murder laban kay Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr, naisampa na sa Korte ayon sa DOJ

Pormal nang naihain sa Negros Oriental Regional Trial Court ang 3 bilang ng kasong “murder” laban kay Negros Oriental 3rd District Rep. Arnulfo “Arnie” Teves Jr. Ito ang kinumpirma ni Prosecutor General Benedicto Malcontento makaraang ihayag ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na nagtungo kahapon ang DOJ panel of prosecutors sa Negros Oriental para ihain… Continue reading 3 kasong murder laban kay Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr, naisampa na sa Korte ayon sa DOJ