Pilipinas, nawalan ng isa sa mga tunay na makabayan sa pagpanaw ni Sec. Susan “Toots” Ople — VP Sara Duterte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot din ng kaniyang pakikiramay si Vice President Sara Duterte sa pagpanaw ni Department of Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople.

Sa isang pahayag, sinabi ni VP Sara na nawalan ang Pilipinas ng isa sa mga maituturing na tunay na makabayan na inilaan ang sarili para sa pagtatanggol sa karapatan ng mga migranteng Pilipino at kanilang pamilya.

Inilarawan din ng Pangalawang Pangulo ang yumaong kalihim bilang sandigan ng pag-asa at lakas ng mga migranteng manggagawa lalo na sa panahong sinusubok ang kanilang katatagan habang nasa ibayong dagat.

Dahil dito, labis na ikinalulungkot ni VP Sara ang pagpanaw ni Sec. Toots kaya’t kaisa rin siya ng naulilang pamilya nito sa pananalangin para sa kanilang katatagan.

Nag-iwan aniya si Sec. Toots ng isang legasiyang habang buhay na aalalahanin at pagyayamanin ng bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us