Pinaigting na kampanya laban sa mga terorista, ipinag-utos ni PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang lahat ng Area Police Commanders, Regional Directors, at Chiefs of Operating Units na paigtingin ang kampanya laban sa mga terrorist group.

Ang direktiba ng PNP chief ay kasunod ng pag-designate ng Anti-Terrorism Council (ATC) sa huling grupo ng mga indibidwal, kabilang si Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. bilang mga terorista.

Kasabay nito nagpahayag ng suporta ang PNP chief sa hakbang ng ATC, at sinabing bilang aktibong miyembro ng ATC, makikipagtulungan ang PNP sa iba pang ahensyang kasama sa ATC para masiguro ang kaligtasan ng publiko laban sa krimen at terorismo.

Ayon kay General Acorda, ang hakbang ng ATC ay magdaragdag ng ngipin sa
ongoing Police operations, investigation, at case build-up laban sa mga indibidwal na natuklasan sa naunang imbestigasyon na responsable sa “reign of terror” sa mga nakalipas na taon.

Tiniyak pa ni General Acorda na gagamitin ng PNP ang lahat ng kanilang resources para ma-dismantle ang lahat ng terrorist cells, at pigilan ang kanilang pagre-recruit at radikalisasyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us