Pinasimpleng pagbebenta ng public agricultural lands, lusot na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay ng Mababang Kapulungan ang House Bill 7728 upang amyendahan ang 87 taon nang Public Land Act of 1936.

Layon nitong gawing simple ang proseso ng pagbebenta ng mga agricultural land na pagmamay-ari ng gobyerno.

Sa ilalim ng panukala, ang mga abiso para sa pagbebenta ay daraan sa DENR Central Office.

Imbes naman na anim na beses ilabas ang abiso, gagawin na lamang itong dalawang beses na dapat ilabas sa Official Gazette at dalawang pahayagan.

Ang isa sa mga pahayagan ay dapat nasa Metro Manila, at ang isa ay sa munisipyo o kalapit na probinsya kung saan matatagpuan ang ibinebentang lupa ng gobyerno.

Ipapaskil din ang abiso sa bulletin board ng DENR Main Office at sa provincial o municipal building kung saan matatagpuan ang lupang ibinebenta.

Kung ang halaga ng lupa ay hindi lalagpas ng P50,000, hindi na ito kakailanganing pang ilathala kailangan na lamang ilagay ang abiso sa tatlong lugar—sa barangay, munisipyo, at sa lupang binibili o ibinebenta.

Matapos ang 30 araw ay maaari nang ibenta ang lupa, mas maikli kumpara sa kasalukuyang 60 araw. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us