Plano ng DTI na gawing manufacturing hub ng e-cigarettes ang Pilipinas, pinarerekonsidera

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si AnaKalusugan party-list Rep. Ray Reyes sa DTI na pag-isipang mabuti ang plano nitong gawing manufacturing hub ng e-cigarettes at heated tobacco products (HTPs) ang Pilipinas.

Nakababahala ayon sa mambabatas na tila naisantabi ang masamang dulot nito sa kalusugan kapalit ng economic gain.

Taliwas din aniya ito sa layunin ng RA 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act na layong protektahan ang mga Pilipino mula sa masamang epekto ng HTPs at kahalintulad na produkto.

“It is deeply concerning that our economic managers are seemingly disregarding the potential health risks of using e-cigarettes and HTPs in favor of economic gain. While these products are usually branded as a safer alternative to cigarettes, they still pose many health risks,” saad ni Reyes.

Tinukoy ng kongresista na isang undersecretary ng DTI ang nagsabi na malaki ang potensyal ng Pilipinas para maging manufacturing hub ng e-cigarettes sa ginanap na International Tobacco Agriculture Summit.

Sabi ni Reyes, dapat ay mag-ingat ang mga opisyal sa paglalabas ng ganitong mga pahayag lalo at batay sa batas ang DTI pa man din ang inatasan na mag-regulate ng vaporized nicotine at non-nicotine products.

“Our economic managers should be careful with their statements because these can be misconstrued as an endorsement of a product that they are mandated to regulate,” diin ni Reyes. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us