PNP Chief, nanindigang di lumambot ang PNP sa pagdidisiplina sa mga pulis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan si Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. na maayos niyang nadidisiplina ang mga pulis.

Giit ng PNP chief, hindi lumambot ang pagdidisiplina sa mga pulis matapos na sabihin ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na dapat gumamit ng kamay na bakal ang PNP sa mga pulis na nagkamali.

Ani Acorda, hindi niya kailangang magpakabrusko dahil sapat na ang kanyang mga napapatupad na polisiya.

Nasa 83 percent aniya ang binaba ng mga pulis na napaparusahan dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang kaso mula January hanggang August ngayong taon kumpara sa nakaraang taon.

Nagresulta ito sa pagkakaalis ng 583 na pulis dahil sa grave misconduct.

Ipinapakita aniya nito na mas matino na ang mga pulis ngayon at iilan na lang ang nasasangkot sa kalokohan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us