Magiging katuwang ng Commission on Elections (COMELEC) ang Jolo Municipal Police Station sa paglilibot sa mga paaralan na gagamitin bilang polling precints sa darating na halalan.
Pangungunahan ito ayon kay PLtCol Annidul Sali, Hepe ng Jolo MPS ni Acting Election Officer Sharif Ututalum sa darating na Lunes upang tingnan ang kakulangan sa mga lugar na pagbobotohan sa ika-30 ng Oktubre ngayong taon.
Isasagawa din nila sa Lunes dagdag pa ni Sali, ang Municipal Peace and Order Council Meeting sa Day Care Center ng Jolo Municipal Building sa barangay Walled City.
Dito ani Sali ay kanilang tatalakayin ang iba’t ibang usapin at ibabahagi nila ang updates kaugnay sa sitwasyon ng peace and order sa Jolo at kanilang mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa naturang bayan.
Ito aniya sa tulong ng 35th Infantry Battalion ng Philippine Army, Philippine Coast Guard, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, lokal na pamahalaan at iba pa.| ulat ni Mira Sigaring| RP1 Jolo