PNP, nagpaalala sa mga pulis na gamitin ang lahat ng na-isyu na body camera sa operasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Colonel Red Maranan ang lahat ng mga pulis na na-isyuhan ng body camera na dapat gamitin ang mga ito sa operasyon.

Ayon kay Maranan natuklasan nila sa imbestigasyon na isa sa mga pulis na kasama sa operasyon sa Navotas kung saan nabaril at napatay si Jemboy Baltazar matapos mapagkamalang suspek ay may body camera pero hindi niya ito ginamit.

Paliwanag ni Maranan, hindi katanggap-tanggap ang dahilan ng naturang pulis na namatay ang baterya, dahil tungkulin aniya ng mga pulis na siguraduhing fully charged ang mga inisyu sa kanilang body camera.

Sinabi ni Marananan na hindi lahat ng mga pulis ay na-isyuhan ng body camera dahil limitado lang sa 2,700 ang nabili ng PNP.

Ayon kay Maranan, sinimulan na sa taong ito ang procurement process para sa karagdagang 45,000 body camera na inaasahang makukumpleto sa mga susunod na taon.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us