Itinutulak ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang pagkakaroon ng isang pondo na siyang gagamitin ng pamahalaan para bilhin ang bigas ng mga lokal na magsasaka.
Aniya, sa subsidiyang ito ng gobyerno ay masisigurong maibebenta ng mga magsasaka ang bigas sa presyong hindi sila babaratin upang maengganyo rin silang pataasin ang kanilang produksyon.
Sa panukalang Rice Incentivization, Self-Sufficiency and Enterprise o RISE Program maglalaan ang gobyerno ng pondo pambili ng lokal na bigas sa presyo na hindi malulugi ang mga magsasaka.
Ang bigas ay ibebenta naman umano ng gobyerno sa mas murang halaga sa mga konsyumer.
Positibo si Lee na sa tulong nito, ay magkakaroon ng sapat na supply ng bigas ang bansa at hindi aasa sa importasyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes