Posibilidad ng joint military drill ng Pilipinas at China, dadaan muna sa mabusising pag-aaral — AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pakikinggan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sentimyento ng mga Pilipino, hingil sa posibilidad ng joint military drill sa pagitan ng Pilipinas at China.

Pahayag ito ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, nang tanungin kung tuloy pa ang proposal na ito, kasunod ng pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal kung saan ginamitan ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang PH vessel na maghahatid lamang ng suplay sa BRP Sierra Madre.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na informal pa lamang na ipinaabot sa AFP Chief of Staff ang proposal na ito.

Wala pa aniya silang natatanggap na pormal na dokumento o proposal kaugnay dito, at kailangan pa aniya itong pag-aralang maigi, kung makakatulong ba o hindi sa pagsusulong ng interes ng mga Pilipino.

“Sa ngayon, mas mabuti siguro kung tingnan natin, ano ba ang sentimyento ng taumbayan. Kami ay nakikinig naman palagi. Ito ba ay nakakatulong sa pagsusulong ng interes ng ating bayan kung ito ay makakatulong let the authorities above us make the decision, hindi po kami ang mag de-desisyon dito.” — Col. Aguilar. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us