Nagpahayag ng pagkabahala si House Human Rights Committee Chair Bienvenido Abante hinggil sa posibleng ‘misapplication’ o pang-aabuso sa Anti-Terrorism Law.
Kasabay nito ay hinimok din ng kinatawan ang Joint Congressional Oversight Committee na silipin ang pagturing kay Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. at 12 iba pa bilang terorista gamit ang naturang batas.
Ayon sa mambabatas, kaisa siya sa paghahanap ng hustisya para sa nasawing si Gov. Roel Degamo at mga sibilyang nadamay.
Suportado rin niya ang panawagan sa kasamahang mambabatas na umuwi ng bansa at sagutin ang mga paratang hinggil sa pagkakasangkot sa insidente ng pagkamatay ng gobernador.
Ngunit marapat lamang din aniya na tiyaking tama ang pagpapatupad sa ATL.
“We want justice for the late Gov. Roel Degamo and the innocent civilians slain when he was brutally and brazenly assassinated––and I believe Rep. Teves should come home and answer allegations that he masterminded this heinous crime. But as House HR Chair, my concern in this case is the application of RA 11479. The Anti-Terrorism Act of 2020 is meant to be a powerful tool in safeguarding our nation from threats posed by terrorists, but given its provisions, it must be enforced judiciously and with proper regard for the rights and freedoms of our citizens.”, paliwanag ng Manila solon.
Magsisilbi aniyang ‘test case’ sa Joint Oversight Committee ang pagdeklara kay Teves at iba pang akusado bilang terorista upang masiguro na hindi mauuwi sa pang-aabuso ang mga probisyon ng ATL.
“During deliberations of RA 11479, a number of legislators, myself included, were concerned about the law’s provisions. The designation of Rep. Teves and his co-accused as terrorists is a test case that the Joint Oversight Committee should look into to ensure that it does not set a precedent that could lead to abuses in the future.” ,dagdag ni Abante.
Isa si Abante sa mga mambabatas na tumutol sa pagpapatibay ng ATL noong 2020. | ulat ni Kathleen Jean Forbes