Posibleng pagdawit sa pamilya ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves Jr sa freeze order ng AMLC, normal ayon sa DOJ

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bahagi ng imbestigasyon ng Anti-Terrorism Council o ATC ang pagbilang sa pamilya ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnulfo Teves Jr sa inilabas na freeze order ng Anti-Money Laundering Council o AMLC.

Ito ang sagot ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla matapos magpahayag ng pangamba si Teves na isusunod na ang kaniyang asawa at mga anak sa inilabas na freeze order ng AMLC sa kanilang mga ari-arian.

Ayon kay Remulla, normal lamang na maisama ang immediate family ni Teves sa imbestigasyon dahil posibleng dito aniya itinatago ang iba pang yaman ng mambabatas.

Damay din aniya sa naturang kautusan ang lahat ng malalapit na kaibigan ng mambabatas at pinag-aaralan na rin nila na isama rito maging ang kaniyang mga abogado.

Gayunman, hindi pa masabi ni Remulla kung magkano ang pinag-uusapang halaga ng mga kayamanan ni Teves ang naisailalim na sa freeze order pero ang malinaw sa ngayon ay hindi na nito magagalaw ang kaniyang mga bank account. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us