PRC Chairman at CEO Richard Gordon, kinilala ang mga nagawa ni Migrant Workers Secretary Ople para sa kapakanan ng mga OFW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pakikiramay si Philippine Red Cross (PRC) Chairman at CEO Richard Gordon sa pagpanaw ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople.

Sa isang pahayag, sinabi ni Gordon na ikinagulat niya ang biglaang pagkamatay ng isang kaibigan at masipag na public servant.

Kasabay nito ay kinilala ni Gordon ang mga ambag ni Ople para maitaguyod ang kapanakanan at karapatan ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Gaya ng pakikipagtulungan ng Ople Center Foundation sa PRC para makapagbigay ng iba’t ibang serbisyo sa mga OFW at mga pamilya nito.

Binigyang diin din ni Gordon ang pagpapatupad ng DMW ng OFW Pass sa ilalim ng pamumuno ni Ople. Aniya, mahirap pamunuan ang bagong departamento, pero nagawa ng yumaong kalihim na isulong ang mga pagbabago para maitaguyod ang interes ng mga OFW.

Umaasa naman si Gordon na ipagpapatuloy ng papalit na kalihim ng DMW ang nasimulan ni Ople at patuloy na isusulong ang karapatan ng mga migranteng Pilipino.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us