Kaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga Pilipino sa para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ngayong araw.
Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nitong mahalagang bigyang pugay din at alalahanin ang aniya’y lesser known o mga unnamed Filipinos na may ginampanan ding mahalagang papel sa paghubog ng bansa at makamit ang kalayaan.
Kung taon-taon aniya’y nag- uukol tayo ng panahon upang gunitain ang mga kilalang pangalan laman ng mga aklat ng kasaysayan, maigi ayon sa Pangulo na alalahanin din ang mga unsung heroes.
Sa panahon aniya ngayong nahaharap ang marami sa napakaraming aktibidad at responsibilidad ay naririyan ang posibilidad na malimot ang ating mga bayani na siyang nakipaglaban alang- alang sa ating kalayaan.
Ang ganitong mga pagkakataon sabi ng Pangulo ay magsilbi sanang pamukaw na maisama sa ating agenda upang makabuo ng isang malakas, maulad, at matatag na bagong Pilipinas.
Hinikayat din ng Pangulo ang bawat isa na gamitin ang kakayahan upang magsilbing bayani sa pamilya at komunidad. | ulat ni Alvin Baltazar
📸: PCO