Pres. Marcos Jr., umaasang magiging matatag na ang presyo ng bigas ngayong nagsisimula na ang pag-aani sa mga palay-producing regions

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging matatag na ang halaga ng bigas gayung nag- uumpisa na ang pag-aani ng mga rehiyong kilalang nagpo- produce ng palay.

Ayon sa Pangulo, nagsisimula nang mag-ani sa Nueva Ecija Isabela, at sa North Cotabato.

Dahil dito sabi ng Punong Ehekutibo ay kanilang babantayan hindi lamang ang magiging galawan sa presyo ng bigas kundi pati na ang rice supply.

Naniniwala si Pangulong Marcos na ang nagsisimula nang anihan ay magdaragdag sa suplay ng bigas sa bansa habang naka-monitor din aniya sila sa farmgate price gayung ito raw kasi ang nagpataas sa presyo ng bigas sa kasalukuyan.

Base sa ulat na isinumite sa Chief Executive, maaaring makapag-produce ng 900,000 metric tons ang Isabela, Nueva Ecija, at North Cotabato na ngayon ay nag-aani na ng palay at tinatayang tatagal hanggang sa susunod na buwan ng Setyembre. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us