Maliban sa taas-presyo ng gasolina, diesel, at kerosene ngayong araw, asahan din ang pag-angat sa presyo ng produktong Liquified Petroleum Gas ngayong linggo.
Batay sa abiso, inaasahang tataas mula ₱2 hanggang ₱5 ang kada kilo ng LPG.
Mangangahulugan ito ng pagtaas ng mula ₱22 hanggang ₱55 ang kada kilo ng isang tanke ng LPG na may gross weight na 11 kilograms, na kalimitang ginagamit ng mga households.
Sa kasalukuyan, nabibili ang isang tangke ng LPG na may timbang na 11 kilograms sa presyong ₱718 to ₱935.
Kadalasang binabago ng mga oil firm ang presyo ng kanilang mga panindang LPG sa unang araw ng buwan. | ulat ni AJ Ignacio