Naramdaman sa maraming lugar sa Bicol region at iba pang lugar ang nangyaring pagyanig kaninang alas-2:35 ng madaling araw na may lakas na magnitude 4.7.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang epicenter ng lindol sa layong 11 kilometro sa Timog-Silangan ng bayan ng Prieto Diaz sa Sorsogon.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 107 na kilometro.
Naramdaman ang intensity 3 sa Prieto Diaz, intensity 2 sa Magallanes at Bulusan sa Sorsogon, Pawa at Tabaco sa Albay, Rosario sa Northern Samar at Virac sa Catanduanes.
Intensity 1 naman sa Legaspi City, Albay at Panganiban sa Catanduanes.
Pero pagtiyak ng PHIVOLCS na wala namang dalang pinsala ang lindol sa mga istruktura at kabuhayan ng mga residente.
Wala ring inaasahang aftershock sa lugar na pinagmulan ng pagyanig. | ulat ni Rey Ferrer