PRO 6, nagpaabot ng simpatiya sa mga pulis na biktima ng engkwentro sa Negros Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binisita ni Police Regional Office 6 Director P/Brigadier General Sidney Villaflor ang lamay ni P/Corporal Jaime Nuñez, ang pulis na napatay sa engkwentro kontra New People’s Army sa Calatrava, Negros Occidental.

Sa pagbisita ng opisyal, ginawad ni Villaflor sa namatay na pulis ang Medalya ng Kasanayan (posthumous award) at tulong pinansyal na P100,000 para sa pamilya.

Ipinag-utos rin ng opisyal sa Negros Occidental Police Provincial Office na tulungan ang pamilya sa pagproseso ng claims at benefits ng namatay na pulis.

Sa pagbisita ni Villaflor sa lamay, binisita rin ng opisyal si P/Corporal Dennis Nacis ang pulis na sugatan sa engkwentro na naka-confine sa isang ospital sa Bacolod City.

Medalya ng Sugatang Magiting naman ang iginawad kay Nacis at P50,000 cash assistance.

Labis ang pasasalamat ng mga pamilya sa pagbisita at ipinaabot ng tulong ng Police Regional Office 6.| ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us