Produksyon ng mais, lalong pinaparami ng DA-XI sa Davao Oriental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ang Department of Agriculture-XI (DA-XI), sa pamamagitan ng kaniyang Corn Banner Program at sa pakipagtulungan ng Research and Development Division, ay naglunsad ng genetically-modified (GM) hybrid yellow corn production derby crop-cutting sa Tagugpo, sa bayan ng Lupon, Davao Oriental Province.

Ang naturang activity ay naglalayong tukuyin ang pinaka-magandang binhi na makapagbibigay ng mataas na bulto sa produksyon na mabuhay kahit sa patag at mataas-taas na lugar. Bilang pagsuporta ito sa panawagang i-prioritize ang produksyon sa yellow corn at sorghum para magtuloy-tuloy ang industriya sa pag-aalaga ng mga hayup sa bansa.

Sa kaniyang mensahe, binigyang diin ni DA-XI Regional Corn Coordinator Engr. Lorenzo Bermillo na kailangang mas damihan ang produksyon ng yellow corn para matulungan ang livestock sector.

Sa kaniyang panig, si Field Operations Division Chief Mae Ann Constantino ay nagpasalamat sa lahat ng participants, partikular sa mga magsasaka, Local Government Units (LGUs) ng Lupon, rason kung bakit nagtagumpay ang event.

“I want to thank everyone who came today, to the farmers, the LGUs, and our partners – the seed companies, for their participation and contributions to the success of this activity. This hybrid yellow corn derby crop cutting is a great help in gathering data, and best technology techniques that will aid in our analysis of the best corn seed variety,” ayon pa
kay Constantino.

Bnigyang diin ni Constantino ang kahalagahan ng pag-adopt ng long-term mindset at ang paggamit ng lahat na available information, expertise, at technology para mananatili ang pag -unlad ng mga magsasaka.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us