Hinikayat ngayon ng Quezon City Local Government ang mga job seekers partikular ang mga naghahanap ng trabaho abroad na maghanda na ng maraming resume para sa ilulunsad nitong Overseas Job Fair bukas, August 18.
Ito ay sa pangunguna ng Migrant Resource Center ng City Public Employment Service Office katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Ilan sa mga trabahong maaaring aplayan dito ang auto-body repair technician, barista, caregiver, electrician, engineer, factory worker, machine operator, nurse, at welder.
Habang kabilang sa mga bansang may job opprtunities ang Australia, Canada, Germany, Guam, Japan, KSA, New Zealand, Oman, Poland, Qatar, Taiwan, UK, at USA.
Isasagawa ang job fair sa Risen Garden, Quezon City Hall mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon. | ulat ni Merry Ann Bastasa