QC gov’t, namahagi ng tulong pinansyal sa mga pamilyang nasunugan sa Vargas Lane, Brgy. Culiat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot na ng financial assistance ang Quezon City government sa 248 pamilyang nasunugan sa Vargas Lane sa Barangay Culiat nitong linggo.

Personal na ipinaabot ni QC Mayor Joy Belmonte ang tulong sa mga apektadong pamilya nang bumisita ito sa pansamantalang tinutuluyan ng mga evacuee.

Bawat pamilyang nasunugan ay nakatanggap ng ₱10,000 para sa mga home owner at ₱5,000 naman para sa mga sharer o renter.

Kinamusta rin ng alkalde ang lagay ng mga biktima at tiniyak ang tuloy tuloy na pag-alalay sa kanilang pagbangon mula sa trahedya.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa Metroheights Subdivision Covered Court, at Vargas Covered Court na inaasikaso ng mga social workers ng lungsod, at binibigyan ng regular na hot meals. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us