QCPD, may donasyong relief packs sa mga biktima ng kalamidad sa Ilocos Norte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-ambag-ambag ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) para makapaghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Egay sa Ilocos Norte.

Ngayong araw, pinangunahan ni QCPD Chief General Nicolas Torre III ang pag-turnover ng donasyon kay Senator Imee Marcos na kanilang panauhing pandangal sa flagraising ceremony kaninang umaga sa Kampo Karingal sa Quezon City kasabay ng ika-122 Police Service Anniversary ng QCPD.

Laman nito ang mga sako ng bigas at canned goods na nagkakahalaga ng kalahating milyon.

Bahagi ito ng inisyatibong Damayan sa QCPD na mula aniya sa monthly allowance ng lahat ng tauhan sa District Offices.

Nagpasalamat naman si Sen. Marcos sa hatid na tulong ng QCPD para sa mga kababayan nito sa Ilocos Norte. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us