Pinakilos na ng Department of Agriculture (DA) ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Operation Center nito para tutukan ang sitwasyon sa mga agri-fishery sector sa gitna ng pananalasa ng bagyong Goring.
Ayon sa DA, tuloy-tuloy na ang paglalabas nito ng localized advisories para sa LGUs, mga magsasaka at mangingisda lalo na sa mga inaasahang tatamaan ng bagyo sa Northern Luzon.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DA sa mga counterpart sa LGU level at iba pang Regional DRRM-related offices para sa monitoring ng banta ng bagyo.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng DA na nakaimbak na sa ligtas na mga pasilidad ang mga binhing palay, mais, mga gamot, at biologics para sa livestock at poultry. | ulat ni Merry Ann Bastasa