Rehabilitasyon ng Kennon Road, panawagan ng Benguet solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilalapit ni Benguet Representative Eric Yap sa national government ang pagsasaayos ng Kennon Road matapos manalasa ng bagyong Egay sa kanilang lalawigan.

Personal na binaybay ni Yap ang Kennon Road at dito niya nakita ang nagbagsakang mga bato dahil sa landslide at nagtumbahang poste ng kuryente.

Hanggang sa ngayon ay wala aniyang ilaw sa naturang kalsada at hindi pa rin ligtas daanan ng sasakyan, dahil itinabi lang sa gilid ang landslide debris para makadaan ang mga residente.

Ngunit hindi pa rin aniya ito ligtas para sa mga turistang bibiyahe.

Pagtiyak ni Yap na kaniyang hihilingin sa national government ang agarang pagsasaayos ng Kennon road na isa sa pinakamahalagang daan papasok at palabas ng kanilang probinsya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us