Relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Costa Rica, pinalalakas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng virtual meeting ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs na pinangunahan ni American Affairs Assistant Secretary Jose Victor Chan-Gonzaga kasama ang Ministry of Foreign Affairs and Worship Head for Bilateral Affairs ng Costa Rica na si G. Rolando Madrigal upang talakayin kung paano pa mapapatibay ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Costa Rica.

Nakasentro ang talakayan sa bilateral cooperation ng dalawang bansa sa larangan ng kalakalan, agrikultural, enerhiya, disaster risk reduction and management, sustainable tourism, volcanic and seismological research, cultural cooperation, at academic cooperation.

Nagpahayag rin ang dalawang bansa na palawakin pa ang trade and investments sa pagitan ng Pilipinas and Costa Rica. 

Ang nasabing virtual meeting ay ginawa bago pa ang pagbisita ng mga opisyal ng DFA sa Costa Rica, Panama, at Mexico mula August 7 hanggang 16 upang talakayin kung papaano pa palalakasin ang relasyon ng Pilipinas sa mga nabanggit na bansa.

Noong 2022 ay umabot sa US$50.88 milyon ang naging kalakal sa pagitan ng Pilipinas at Costa Rica. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us