Resolusyon na kumikilala sa makasaysang FIFA match ng Pilipinas kontra New Zealand, pinagtibay ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay ng Mababang Kapulungan ang resolusyon na kumikilala sa Philippine Women’s National Football Team na Filipinas sa kanilang makasaysayang laban sa 2023 FIFA Women’s World Cup kontra New Zealand noong July 25.

Sa sesyon ngayong Miyerkules, in-adopt ng Kamara ang House Resolution 1145 na nagpapaabot ng pagbati sa 23 miyembro ng Filipinas matapos maitala ang unang goal at panalo ng Pilipinas sa FIFA Women’s World Cup.

Nakasaad sa resolusyon na ang panalong ito ng Filipinas ay patunay sa lakas ng mga Pilipina at determinasyon na umabante rin sa larangan ng sports sa global stage.

Nararapat lang din anilang purihin ang koponan sa pagsisilbi nila bilang inspirasyon sa mga kababaihang atleta.

Kabilang sa Filipinas team member sina Sarina Bolden, Hali Long, Olivia McDaniel, Tahnai Annis, Quinley Quezada, Katrina Guillou, Chandler McDaniel, Carleigh Frilles, Isabella Flanigan, Meryll Serrano, Sara Eggesvik, Ryley Bugay, Jaclyn Sawicki, Anicka Castañeda, Jessika Cowart, Dominique Randle, Sofia Harrison, Malea Cesar, Alicia Barker, Angela Beard, Reina Bonta, Kiara Fontanilla at Kaiya Jota.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us