Resolusyong magkokondena sa panghihimasok at harassment ng China sa West Philippine Sea, aaprubahan ng Senado ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang pagtibayin ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ngayong araw ang resolusyon na kukondena sa harassment at panghihimasok ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay matapos magsagawa ng caucus ang mga senador kahapon kung saan kasamang kinonsulta sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, National Security Adviser Eduardo Año, at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. tungkol sa isyu sa WPS.

Ayon kina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senador Risa Hontiveros, nagkasundo ang mga senador na pagsamahin ang kanilang mga inihaing resolusyon na pagkondena sa pangha-harass ng mga Tsino sa mga mangingisdang Pinoy at sa patuloy na panghihimasok ng Chinese Coast Guard at militia vessels sa West Philippine Sea.

Dagdag pa ni Hontiveros na malinaw na nakasaad sa resolusyon ang mga hakbang na maaaring gawin ng Department of Foreign Affairs (DFA) para igiit ang ating claims at karapatan sa rehiyon kasama na ang paghimok sa gobyerno na iakyat ang West Philippine Sea issue sa United Nations General Assembly (UNGA).

Giit ni Hontiveros, sa development na ito ay malinaw na nagtagumpay ang gusto ng taumbayan at hindi ang gusto ng China. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us