Resolusyong nagpapahayag ng pagkondena ng Senado sa harassment at panghihimasok ng China sa West Philippine Sea, inaprubahan na ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay na ng Senado ang Senate Resolution 718 o ang resolusyong nagkokondena sa patuloy na harassment ng China sa mga mangingisdang Pinoy, at ang panghihimasok ng Chinese Coast Guard at Militia Vessels sa West Philippine Sea.

Ang resolusyong ito ay pinasa matapos ang naging konsultasyon ng mga senador kina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, National Security dviser Eduardo Año, at AFP Chief of Staff Romeo Brawner Jr. kahapon.

Sa ilalim ng naturang resolusyon, nananawagan rin ang senado sa pamahalaan na gumawa ng mga naaayong hakbang sa pagggiit ng sovereign rights ng Pilipinas, at ipananawagan sa China na itigil na ang kanilang ilegal na aksyon sa West Philippine Sea.

Ito lalo na aniya’t kinatigan na ng arbitration court ang claim ng Pilipinas sa WPS.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, unanimous ang pag pabor ng mga senador sa resolusyon na ito base na rin sa naging consensus sa pagpupulong kahapon.

Giit ni Zubiri, mas pinalakas pa nila ang orihinal na resolusyon na inihain ni Senador Risa Hontiveros.

Matatandaang sa unang resolusyon, ang nais ni Hontiveros ay iakyat sa United Nations General Assembly (UNGA) ang isyu sa WPS.

Sa inaprubahang resolusyon, binibigyan na ng Senado ang pamahalaan ng iba’t ibang opsyon kung paanong tutugon sa kilos ng China.

Kabilang na dito ang patuloy na pagdala ng isyu sa atensyon ng international community; paggamit ng international fora para makakuha ng suporta sa pagpapatupad ng the Hague ruling;  ang paghahain ng Philippine Government ng resolusyon sa United Nations General Assembly (UNGA) para matugunan ang isyu sa WPS; at ang pagpapatuloy ng iba pang diplomatikong paraan na nakikita ng DFA na nararapat gawin. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us