Umarangkada na ang Ronda Ahensiya na programa ng Department of Health- Center for Health Development (DOH-CHD)-Region 1 laban sa COVID-19 sa San Fernando City, La Union.
Ito ang pinakabagong estratehiya na ginagawa ng Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) para sa Bivalent COVID-19 vaccination.
Nakatanggap ng COVID-19 bivalent vaccine ang 168 katao kung saan 78 sa mga ito ang para sa ikatlong booster shots, 81 ang para sa pangalawang booster shots at siyam ang para sa unang booster shots.
Pangunahing isinailalim sa vaccinations ang mga healthcare workers at kanilang pamilya.
Ayon sa DOH, makakatulong ang mga bivalent vaccines upang malabanan ang virus lalo na ang original COVID-19 strain at Omicron subvariants.| ulat ni Glenda B. Sarac| RP1 Agoo