ROTC Games Visayas leg, pormal nang nagtapos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makalipas ang ilang araw na tagisan ng tibay at galing ng mga ROTC cadets sa iba’t ibang sports, pormal ng nagtapos ngayon hapon ang ROTC Games Visayas Leg sa West Visayas State University.

Panauhing pandangal sa programa si Senador Robinhood Padilla.

Kasama ng Senador ang Honorary Chairman ng ROTC na si Senator Francis Tolentino.

Ayon sa Senador Padilla, ang pagsali ng mga ROTC cadets sa palaro ay patunay na maganda ang bunga ng ROTC sa sports development.

Kasabay ng closing program, pinangunahan rin ng Senador ang pagbibigay ng parangal sa mga nanalo sa 3×3 basketball at volleyball.

Nagpaabot rin ng cash prize ang Senador sa lahat ng nanalo.

Pinarangalan rin ang mga stakeholders na nagbigay ng kanilang suporta para maisagawa ang ROTC Games Visayas Leg sa Iloilo City.

Sa pangkalahatan naniniwala si Senator Tolentino na naging matagumpay ang unang ROTC Games sa Iloilo City.| ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us