San Juan City Police, naglatag na ng kanilang checkpoint kasabay ng pagsisimula ng BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaigting na ng San Juan City Police ang kanilang pagbabantay sa mga pangunahing lansangan na nasa kanilang nasasakupan.

Ito’y kasabay na rin ng pagsisimula ng paghahain ng kandidatura para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections sa Oktubre.

Katulad na lamang sa bahagi ng Araneta Avenue kanto ng N. Domingo na nasa hangganan ng San Juan City at Maynila, may nakalatag nang checkpoint.

Dito, pinaghihinay-hinay ang mga motorista na dumaraan sa checkpoint at hinihimok ang mga ito na makiisa gayundin ay makipagtulungan sa mga awtoridad.

Mahigpit na ipinatutupad ng Pulisya ang “plain view doctrine” kung saan, no contact ang ginagawang pag-iinspeksyon sa sasakyan ng mga motorista.

Binigyang-diin pa ng San Juan City PNP, bukod sa pagpapatupad ng gun ban bahagi rin ng kanilang kampanya kontra krimen ang ipinatutupad nilang checkpoint. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us