Sapat na konsultasyon sa panig ng MUP at DND, naisagawa sa MUP Pension Reform Bil

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan si Ad Hoc on MUP pension system Chair Joey Salceda na nagkaroon ng sapat at masinsinang konsultasyon sa panig ng mga military and uniformed personnel, economic team at maging ng DND bago binuo at pinagtibay ng komite ang substitute bill sa panukalang MUP pension reform.

Ito ang tugon ni Salceda nang hingan ng reaksyon hinggil sa alinlangan ni DND Sec. Gibo Teodoro sa naturang panukala.

Partikular dito ang pagkakaroon ng uniform retirement age, 50% indexation at contribution scheme.

“Everyone, including the DND, was given abundant opportunity to provide their comments, either through the hearings or through officially transmitted statements to the Committee.”, sabi ni Salceda.

Dagdag pa nito na masusi nang pinag-aralan ang panukala noon pang 18th Congress.

“The constitutional implications of the reform were abundantly studied in papers from the Legal Affairs and Parliamentary Counselling units of both houses of Congress especially in the 18th Congress. We proceeded with advise from them that we are in the clear.” dagdag ng kinatawan.

Punto pa ni Salceda, nakasandig ang MUP pension reform sa prinsipyo ng shares benefit at sacrifice.

“The MUP pension reform will be based on the principle of both shared benefit and shared sacrifice. Around that principle, we can discuss the details. But we must not lose sight of that principle.” diin ni Salceda.

Isinusulong ang reporma sa MUP pension system para gawin itong mas sustainable at maiwasang maharap ang bansa sa fiscal crisis.

Batay sa naunang pagtaya, mangagailangan ng P9.6 trillion na funding para sa MUP pension, ngunit sa ilalim ng bagong substitute bill ay naibaba ito sa 2.29 trillion. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us