Hiniling ni Sen. Bato dela Rosa sa mga gang commander sa loob ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons na magbitiw na ang mga ito dahil sa hind mahanap na katawan ni Michael Angelo Cataroja sa loob ng piitan.
Sa isinagawang Hearing Sa Bucor, sinabi nito sa harap mismo ng naturang gang commanders na di umano’y may takipang nagaganap sa kanilang hanay kaya hindi makita ang hanay ni Cataroja sa loob ng kanilang compound.
Dagdag pa ni Dela Rosa na imposible aniya na wala silang nakuhang impormasyon sa pagkawala ng naturang person deprived of liberty (PDL).| ulat ni AJ Ignacio