Sen. Bong Go, hinimok ang mga Pilipino na magkaisa at suportahan ang Gilas Pilipinas sa magiging laban nito sa 2023 FIBA World Cup

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senate Committee on Sports Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ Go sa lahat ng mga Pilipino na magkaisa at suportahan ang ating Gilas Pilipinas National Basketball Team sa pagsisimula sa 2023 FIBA World Cup qualifiers ngayong araw.

Binigyang-diin ni Go na importante ang magiging laro ng Gilas, lalo na ngayong araw.

Kapag kasi aniya nanalo ang Gilas sa laro nito mamayang gabi laban sa Dominican Republic ay mapupunta sa ating koponan ang momentum patungo sa susunod nitong laro kontra naman sa Angola sa Linggo.

Ipinunto ng senador na malaking bagay kung mananalo ang Gilas laban sa Angola dahil makakapasok tayo sa top 16.

Dagdag pa ng mambabatas, isa rin itong magiging basehan o magiging qualifier para sa Paris Olympics. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us