Naniniwala si Senador Chiz Escudero na ang kailangan ay palakasin ang kapangyarihan at kapasidad ng National Food Authority (NFA) at hindi ang buwagin ito
Tugon ito ng senador sa panawagan ng Samahang Industriyang Agrikultura (SINAG) na buwagin na ang NFA dahil sa bigo nitong pagtupad na mandato nitong bilhin ang lokal na produksyon ng mga magsasakang Pinoy.
Para kasi sa grupo, mas nag-aangkat pa ang NFA kaysa bumili sa mga lokal na magsasaka.
Pero para kay Escudero, hindi sapat ang P8.5 billion na pondo ng NFA para gampanan ang tungkulin nitong bilhin sa mas mataas na presyo ang palay ng mga magsasaka at ibenta ito sa mas mababang presyo sa mga konsyumer.
Kailangan aniyang mag-invest ng husto sa sektor ng agrikultura nang may layuning pataasin ang produksyon para sa huli ay maibigay ang food security sa ating bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion