Sen. Escudero, nais makasuhan ang mga opisyal at indibidwal na sangkot sa Manila Bay Reclamation projects

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatitiyak ni Senador Chiz Escudero na masasampahan ng nararapat na kaso anag mga opisyal ng gobyerno o mga indibidwal na sangkot sa kontrobersiyal na Manila Bay Reclamation projects.

Ginawa ni Escudero ang pahayag kasabay ng pagsuporta sa desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suspendihin ang ongoing reclamation projects sa Manila Bay maliban sa isang proyekto.

Giit ni Escudero, kung mapapatunayan sa imbestigasyon o kung may ebidensya ng kurapsyon o iregularidad sa pagbibigay ng environmental permits ay dapat agad itong itama at panagutin ang mga sangkot para hindi na tularan pa ng iba.

Sinabi rin ng senador na dapat tiyaking walang magiging masamang epekto sa kalikasan at sa kaligtasan at convenience ng mga tao ang naturang proyekto.

Ang planong 24 reclamation projects sa Manila Bay ay layong makagawa ng bagong lupain para sa commercial at residential development.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us