Sen. Grace Poe, pinaghahanda ang Pilipinas sa posibleng rice crisis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala si Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe sa posibleng rice crisis na mangyari kasunod ng desisyon ng India na itigil na ang pag-eexport ng bigas.

Ang desisyon na ito ng India ay dahil na rin sa kakapusan ng suplay ng bigas bunsod ng pagbaha sa kanilang bansa.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Poe na posibleng tumaas pa ang global rice prices bilang collateral impact ng pagtigil ng rice exportation ng India.

Hindi naman aniya masisisi ang India sa kanilang desisyon dahil kailangang unahin nila ang kanilang 1.4 billion na mamamayan.

Pero ipinaalala ni Poe na may obligasyon din ang Pilipinas sa 113 million Filipinos, partikualr sa 3.4 million na mga estudyante na umaasa sa feeding program.

Dahil dito hinikayat ni Poe ang gobyerno na magtalaga ng full-time Agriculture Secretary; ayusin ang irrigation systems; tuparin ang pangakong habulin ang mga smuggler at hoarders at tiyakin ang sapat na budget para sa 2024. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us