Sen. Nancy Binay: Pagpapatupad ng ‘e-visa’ sa Pilipinas, dapat tiyaking sasabayan ng pagtitiyak sa national security ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senador Nancy Binay ang Department of Foreign Affairs (DFA) na gawing non-negotiable requirement sa ilang kategorya para sa pag-aaply ng e-visa ang personal appearance sa mga consular office.

Ginawa ng Senate Committee on Tourism Chairperson ang pahayag kasunod ng pilot implementation ng kauna-unahang electronic visa ng Pilipinas.

Kasabay nito ay hinikayat rin ni Binay ang DFA at National Intelligence Coordinating Agency (NICA), na bumuo ng mas mainam na mga homeland security policy para maiwasang malusutan ng mga non-technical loophole, at mabawasan ang posibilidad na samantalahin ng mga sindikato ang bagong mekanismo.

Ipinunto ng mambabatas, na batid naman na ang ilang mga pumupunta sa Pilipinas ay may ibang pakay, kaya mas mainam na rebyuhin ang mga sistema at exemptions para maiwasang maabuso ito ng ilang dayuhan, at ma-bypass ang ating immigration laws.

Binigyang diin ni Binay, na ang digitalization ay dapat makapagpabuti ng pagbiyahe sa ating bansa nang hindi nakokompromiso ang ating national security.

Dapat aniyang maglatag ng multi-layered safety plugs kasama na ang face-to-face interview, para talagang masala ang mga pumapasok sa bansa.

Dagdag pa ng senador, dapat meron ring sistema ang Bureau of Immigration para ma-check ang mga dayuhan na nag-o-overstay na sa Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us