Sen. Win, inilahad ang mga dahilan sa pagsuporta na gawing ‘mandatory’ ang ROTC sa kolehiyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala ni Senator Sherwin Gatchalian na makakatulong ang Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga nasa kolehiyo upang maitatak sa kaisipan ng mga kabataan ang disiplina at pagmamahal sa bansa.

Sa kanyang naging pagbisita sa lalawigan ng Pangasinan, sinabi ng senador na sa kanyang pagsailalim sa CAT noon at pagiging reservist ng army ay nakita nitong epektibo ang ganitong mga aktibidad upang ang mga kabataan ay magkaroon ng disiplina, pagmamahal sa bayan at respeto sa kanilang kapwa.

Aniya, mayroong apat na bagay o konsepto na mahalagang tignan sa isinusulong na Mandatory ROTC sa kolehiyo gayundin sa Technical at Vocational na mga kurso.

Kinabibilangan ito ng disiplina, pagmamahal sa bayan, paghahanda na depensahan ang bansa at paghahanda sa kalamidad.

Ayon kay Senator Gatchalian, batid nitong maraming tumututol sa programa subalit kung titignan lamang nila ang pinakadiwa ng panukala, maiintindihan ng mga ito kung bakit nila nais gawing mandatory ang ROTC.

Samantala, naniniwala din ang senador na sa apat na mahalagang konsepto ng ROTC, pinaka “realistic” ang paghahanda sa kalamidad.

Inihalimbawa nito ang nagdaang bagyong Egay na naging dahilan upang ang 16 na mga probinsya at mahigit 150 na mga LGU ay nagdeklara ng State of Calamity.

Aniya, mainam na sa maagang edad pa lamang ay maturuan na ang mga ito kung ano ang mga gagawin sa panahon ng mga kalamidad upang malaman nila kung paano sila makakatulong.| via Ruel L. de Guzman| RP1 Dagupan

RP1News

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us